Ibinahagi ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas kung paano binago ang buhay niya ng phenomenal na “Tanging Ina.”

Sa latest vlog ni broadcast-journalist Julius Babao noong Huwebes, Hunyo 13, inisa-isa ni Ai Ai ang mga pagbabagong ito na dumating sa buhay niya.

“Marami akong naging kaibigan. Marami akong naging project. Marami akong naipundar. Nagkaroon ako ng Porsche, nagkaroon ako ng Jaguar,” saad ni Ai Ai. 

Tanong naman ni Julius: “Nasa’n na ‘yong mga ‘yon?”

Pelikula

Enchong keri na sumabak sa BL project; bet makatrabaho sina Piolo, Echo, Dingdong, Alden

“Wala na,” natatawang sagot ng comedy queen.

Gayunman, at least natupad umano ni Ai Ai ang mga pangarap niya gaya ng pagtira sa Ayala. Bukod pa rito, ibinahagi rin niya ang dahilan kung bakit hindi na nasundan pa ang apat na installment ng “Tanging Ina” gayong naging matagumpay ito.

“Parang napagod na rin si Direk Wenn [Deramas],” saad niya.

Matatandaang kamakailan lang ay naging sentro ng kontrobersiya si Ai Ai matapos niyang magsalita hinggil sa umano’y taga-Star Cinema na ipinapabura ang balita tungkol sa “Tanging Ina” reunion.

MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas, pinaplano ang ‘Tanging Ina’ reunion

MAKI-BALITA: Ai Ai, pumalag: Balita tungkol sa ‘Tanging Ina’ reunion, pinapabura ng taga-Star Cinema?