Usap-usapan ang video ng bagong kasal na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon kung saan sinabi nilang dalawa at mga kaibigan nila ang iconic line ng una sa pelikulang "Bata, Bata Paano Ka Ginawa" noong 1998, "with a twist."

Kuha ang video sa reception ng kasal nila kung saan isinigaw ng dalawa at mga kaibigan nila ang linyang "Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!" na kuha sa eksena nina Carlo at Star For All Seasons Vilma Santos-Recto.

Pero ang twist nila, sa dulo ay nilagyan nila ng "merong forever!"

Makikita ang video nito sa Instagram account na @3rdavenuemusic.

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

Matatandaang noong Hunyo 9 ay ikinasal ang dalawa na umani ng samu't saring reaksiyon at komento, lalo't alam ng lahat na may anak na si Carlo sa kaniyang ex-partner na si Trina Candaza.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Huwag magsalita nang tapos hahaha."

"Goodluck na lang po and best wishes!"

"Malay n'yo naman 'di ba si Charlie na ang makapagpatino sa kaniya."

"Huwag n'yo naman husgahan si Carlo, malay n'yo naman, si Charlie na talaga ang forever niya."

MAKI-BALITA: Carlo nagpasalamat kay Charlie: ‘Sa tapang mo kasi pumayag kang maging Mrs. Aquino’

MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!