Ipinagpatuloy ni GMA News anchor Arnold Clavio ang kuwento ng pagkakaospital niya kamakailan dahil sa hemorrhagic stroke. 

Sa latest Instagram post ni Arnold nitong Sabado, Hunyo 15, inilahad niya kung ano ang ginawa sa kaniya matapos niyang maramdaman ang nasabing medical condition.

“Dahil pasok pa ako sa 6 hours na critical period matapos ang aking ‘hemorrhagic stroke’, agad akong inasikaso ng Brain Attack Team sa ER ng St. Lukes Medical Center,” kuwento ni Arnold.

“Pagkatapos ay iniakyat na ako sa Acute Stroke Unit (ASU). Doon ay mahigpit na babantayan ang aking blood pressure (BP) at blood sugar,” aniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Regular daw na sinusuri ng mga umiikot na neurologist, cardiologist, at rehab doctor ang kalagayan niya sa loob ng tatlong araw upang malaman kung kailangan ba niyang sumailalim sa operasyon.

“Pero dahil hindi naman tumabingi ang aking mukha o nabubulol ang aking pagsasalita, ‘di ko na kailangan na maoperahan,” pasubali ng GMA news anchor.

“Base sa kanilang paliwanag: ‘his slight bleeding is in the thalamus area ( left side ) which is responsible for sensation and some muscle control that's why his right legs and arms had numbness and until now feels weak,” sulat niya.

Dagdag pa: “‘It’s systemic and warning sign. The bleeding is in the small vessels which is good. If the brain is a tree in the forest the bleeding happened in the grass area… meaning manageable.’”

Gayunman, aminado si Arnold na mahaba pa ang bubunuin niyang panahon para sa labang ito.

MAKI-BALITA: Arnold Clavio, nakitaan ng ‘slight bleeding’ sa kaliwang bahagi ng utak