Hindi makapaniwala ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes nang mapansin niyang pinusuan o ni-like ni South Korean actress Seo Ye Ji ang kaniyang Instagram post.

Sa video, makikitang chineck munang mabuti ni Blythe kung si Ye Ji ba ang pumuso sa kaniya.

Nang ma-verify niyang legit account ito ay halos maiyak sa galak ang "High Street" star.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

"Ikaw ba naman mapansin ni Seo Ye Ji, sana all na lang talaga!"

"Ang OA naman ng reaction..."

"Luh..."

"What surprised me more is the com sec.... Why are there a lot of people who can't be happy with someone else's tears of joy?.... All feelings are valid... You can cry a pail if you want."

"Okay lang 'yan. celebrity na nagfa-fangirling sa celebrity."

Si Seo Ye Ji ay aktres na bumida sa mga K-Drama na "Save Me (2017)," "Lawless Lawyer (2018)," at ang ireremake ni Anne Curtis na "It's Okay To Not Be Okay (2020)."