Nagbigay ng payo si Alex Gonzaga sa kapuwa niya social media personality na sina Viy Cortez at Cong na nakatakda nang ikasal.

Sa latest vlog ni Viy nitong Biyernes, Hunyo 14, matutunghayan ang ilang misyon umano niya bago sila humarap ni Cong sa altar.

At isa sa mga ginawa ni Viy ay iaabot ang imbitasyon at regalo kay Alex dahil sa pagpayag nito na maging ninang nila sa kasal.

Tila hindi na rin naman pinalampas ni Alex ang pagkakataong makapagbigay ng payo kina Cong at Viy para sa bagong chapter ng buhay nila.

Relasyon at Hiwalayan

Iñigo, proud sa ex niyang si Maris matapos makipaghiwalay kay Rico

“Kayo tandaan n’yo, ang pagpapakasal hindi ‘yan parang ano,” panimula ni Alex sabay tawa at apir kay Viy. “Ang maa-advice ko sa inyo, mag-s*x lang kayo nang mag-s*x talagang kapag nararamdaman n’yo.”

"May mga times kami ni Mikee [Morada] napapagod kami tapos hindi namin naiisip: ‘Uy, tara na.’ Kasi ang s*x lang ang nagpapaiba ng relationship n’yo sa ibang tao," wika niya.

Dagdag pa ni Alex: "So ‘yan lang ang mayro’n kayong intimacy na hindi n’yo maise-share sa kahit saan."

Akma na sanang susunggaban ni Viy ng halik si Cong pagkatapos marinig ang payo ni Alex. Pero agad din naman silang sinita ng huli.

“Ay, ‘wag kayo mag-s*x dito!” sabi ni Alex.

Tugon naman ni Viy: “Ay, akala ko ngayon na kasi.”

Dahil sa sinabing payo ni Alex, hindi na raw nakapagtataka pa kung bakit kinuha siya nina Viy at Cong bilang ninang nila sa kasal.

Matatandaang kamakailan lang ay inanunsiyo ni Viy sa pamamagitan ng isang social media post na namahikan na umano si Cong.

View this post on Instagram

A post shared by Viy Cortez (@viycortez)