Isang babaeng Vietnamese ang nagpalakad-lakad sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Sabado, Hunyo 8.

Base sa video ng Manila International Airport Authority (MIAA) na inulat ng Manila Bulletin, makikita ang babaeng dire-diretso lamang sa paglalakad sa departure area ng NAIA Terminal 3 habang wala itong saplot.

Agad naman daw na umaksyon ang airport personnel at dinamitan ang babae, at saka ito pinakalma ng medical team ng MIAA.

Patungo raw sana sa Ho Chi Minh City sa Vietnam ang babae ngunit na-offload umano siya o hindi pinayagang bumiyahe.

National

Chinese na ayaw sumuko, binaril sarili, patay

Sa ulat ng 24 Oras ng GMA News, base raw sa initial inquiry ay nakararanas umano ng psychological disorder ang Vietnamese kaya’t kinailangan siyang i-offload ng immigration officer.

Samantala, pinayagan naman daw na makabalik ng Vietnam ang babae noong Linggo, Hunyo 9.