May bagong tsika ang showbiz insider na si Ogie Diaz tungkol sa Kapuso star na si Bea Alonzo sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Hunyo 13.

Sa isang bahagi ng naturang showbiz-oriented vlog, inispluk ni Ogie ang nakarating umano sa kaniyang tsika na may bago na raw jowa si Bea.

“Nakarating lang sa akin [...] Itatanong na rin natin dito. How true na may bago nang boyfriend si Bea Alonzo?”

Pero tila hindi agad nakasagot ang mga co-host ni Ogie na sina Mama Loi at Tita Jegs sa nasabing tanong. Matatandaang kasing sinampahan ni Bea si Ogie ng kasong cyberlibel noong Mayo.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, tinantanan na ang anak kay Nadia Montenegro

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz

Depensa naman ni Ogie: “Wala namang libelous and that’s good news. Ibig sabihin, naka-move na si Bea kasi mayro’n na siyang bagong boyfriend, e.”

“Ni hindi nga natin nabalitaan noong kasagsagan ng panliligaw, e. Ang nakarating lang sa akin e mayro’n na siyang bagong boyfriend,” wika niya.

“Ay, ‘te, nasunod ba ni Basha [Bea] ‘yong 3-month rule?” tanong ni Tito Jegs.

“I think so. Kasi February, ‘di ba. Tapos, February, March, April, May. E, June na ngayon. Nasunod naman,” sagot ni Ogie.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na tugon o pahayag si Bea para kumpirmahin ang naturang tsika. 

Samantala, sa panayam naman ni Nelson Canlas noong Huwebes, Hunyo 13, ay isiniwalat ng Kapuso star na hindi raw siya ang nakipaghiwalay kay Dominic.

MAKI-BALITA: Pasabog ni Bea sa hiwalayan nila ni Dominic: ‘Hindi ako ang nakipag-break!’