Isang magnitude 4.5 na lindol ang yumanig sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng umaga, Hunyo 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:45 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 50 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Intensity II sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.