Isang inabandonang fetus ang natagpuan sa loob ng isang simbahan sa Quezon City nitong Miyerkules ng gabi, Hunyo 12.

Sa ulat ng Manila Bulletin, isang taga-simbahan ang may naamoy na mabaho na galing sa isang box sa reception area ng Santo Domingo Church bandang alas-sais ng gabi.

Metro

Presyo ng manok, papalo ng ₱250 kada kilo

Agad niyang pinatawag sa security guard ang mga opisyal ng barangay, na humingi naman ng tulong sa mga pulis.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad upang  makilala kung sino ang nag-iwan ng fetus.

Ito ay isang developing story.