Tila matagal na raw tapos ang panahon ng mga kontrobersiya at isyu sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga.”

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Huwebes, Hunyo 3, napag-usapan nina showbiz columnist Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez ang kompetisyon sa pagitan ng “Eat Bulaga” at “It’s Showtime.”

At sa isang bahagi ng showbiz ng nasabing showbiz-oriented vlog, nabanggit ni Wendell ang isa umanong komentong nabasa niya patungkol sa “Eat Bulaga.”

“Sabi nga ng isang basher do’n na nabasa ko: ‘Isyu lang ba ang gusto n’yo? Pag-uusapan lang ba ang gusto n’yo? Graduate na ang ‘Eat Bulaga’ dyan,” lahad ni Wendell na sinang-ayunan ni Romel.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, tinantanan na ang anak kay Nadia Montenegro

Komento naman ni Cristy: “Napakarami na po nilang pinagdaanan at sabi nga po natin bilang boksingero ang ‘Eat Bulaga,’ ‘di naman po lahat ng suntok nila ay tumatama sa isang panahon.

Pero sa kalaunan, sila pa rin ang kampeon. Wala na pong dapat pang patunayan ang ‘Eat Bulaga.’ At kung gano’n din naman po ang ikakasikat ng programa na dahil lang sa isyu, hindi nila gusto ‘yon,” wika niya.

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Kaya sa ‘Dabarkads, walang pikunan. Sige lang, chillax lang. Ang mahalaga, pareho kayong nasa ere. Ang tanong na lang, sino ang magtatagal?“

Matatandaang nauna nang sinabi ni Cristy sa isang episode ng programa niyang “Cristy Ferminute” noong Abril na wala na raw dapat pang patunayan ang “Eat Bulaga.”

MAKI-BALITA: ‘Tahimik lang:’ ‘Eat Bulaga,’ wala na raw dapat patunayan sa ‘Showtime’