Pinatulan ng aktres na si Arci Muñoz ang isang netizen na kinukwestiyon ang kapasidad niyang maging Air Force reservist sa Pilipinas.

Sa isang Instagram post kasi ni Arci kamakailan, kasabay ng paggunita sa ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, sinariwa niya ang apat na taong lumipas simula nang umpisahan niyang magsanay bilang reservist.

Pero panunupla ng isang netizen: “Question is, will you tread to mud and bleed when the time comes to save our sovereignty? So easy to look tough on socmed.”

“Question is, did ya even try to make an effort in serving your country? Do you even know why reservist exist? And our duty?” tugon naman ni Arci.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya: “Being in the force doesn’t mean you need to go to war for me it’s more of promoting peace. It’s so easy to talk shit and look tough on socmed no?”

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizen ang sagutang ito sa comment section. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"@ramonathornes go ramona!"

"@ramonathornes SLAAAYYY ✨ Kung sino pang walang ambag sa peace & order ng bansa, sila pang madaming satsat noh 😭 SHAMELESS DUDE"

"@ramonathornes 👏👏👏 grabe talaga ibang tao noh? sa lahat na lang ng bagay, may masasabi’t masasabing di maganda!"

"@ramonathornes Kumain at walang itinarang mugmog 💅 pero nadiding ko boses nyo po dito"

"@ramonathornes your the definition of a Patriot, ignore this trash👍"

Matatandaang miyembro din si Arci ng isang anti-Communist recruitment group kung saan kasama niya ang ilang kapuwa niya female celebrities.

MAKI-BALITA: Arci Muñoz, Michele Gumabao, Mocha Uson, kabilang sa anti-Communist recruitment group