Naglabas ng reaksyon ang Akbayan Party tungkol sa pahayag ng abogado ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy na hindi raw nagtatago si Quiboloy.

Sa panayam ni Atty. Israelito Torreon sa One PH kamakailan, sinabi nito na hindi niya rin daw alam kung nasaan si Quiboloy.

National

Mahigit 100 pulis, pinasok KOJC compound para sa warrants ni Quiboloy

“Ayan din ang tanong ko kung nasaan siya ngayon exactly. That’s also my question. That is why kaya nangyayari itong maraming problema po ngayon,” ani Torreon.

Dagdag pa niya hindi raw nagtatago si Quiboloy bagkus ay “unavailable.”

Dahil dito, nag-react si Akbayan Party President Rafaela David ang naturang pahayag ni Torreon.

“Unavailable? It sounds like a term for a stinky out-of-order restroom, yet oddly fitting for a fugitive accused of serious crimes like sexual abuse and human trafficking," ani David nitong Biyernes, Hunyo 14.

“If Quiboloy isn't hiding, then he must have mastered the art of blending into thin air. Houdini would be envious. Sa lahat ng tao na hindi nagtatago, si Quiboloy lamang ang hindi mahagilap maski ng sarili niyang abogado. Nakakatawa ang desperasyon ng kanyang kampo para bigyang paliwanag ang kanyang pagiging isang pugante," dagdag pa niya.

Ayon pa sa Akbayan president hinggil sa pahayag ni Torreon: “This is not a case of missing a social engagement or declining a meeting due to a scheduling conflict. If Quiboloy is indeed not hiding, then why has he become harder to find than a needle in a haystack?"

“To suggest that Quiboloy is simply unavailable is not only an insult to the intelligence of the Filipino people but also a blatant disregard for the victims seeking justice.

"We call on law enforcement and judicial authorities to intensify their efforts in apprehending Quiboloy. It’s time to stop the charades and bring Quiboloy to face the music. The victims of his alleged crimes deserve more than legal acrobatics; they deserve justice and closure.”

Matatandaang nito lamang Hunyo 10, nagtungo ang mahigit 100 pulis sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City upang isilbi ang warrants of arrest ni Quiboloy na inisyu ng Pasig City court para umano sa mga kasong qualified human trafficking cases na isinampa laban sa kaniya at sa limang iba pa.

Hindi naman umano nila nakita ang pastor at ang abogado nito ang tanging tumanggap ng nasabing warrants.

Mariing kinondena ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang “excessive force” umano ng pulisya sa pagsisilbi ng warrants of arrest ni Quiboloy.

“I strongly condemn the use of excessive and unnecessary force in serving the warrant of arrest for Pastor Apollo C. Quiboloy of the Kingdom of Jesus Christ by police officers who are not even from Davao City,” ani Duterte sa isang pahayag.

https://balita.net.ph/2024/06/11/ex-pres-duterte-kinondena-excessive-force-ng-pulisya-para-isilbi-warrants-ni-quiboloy/

Bukod pa rito, nakatakda raw silang magsagawa ng “legal at appropriate actions” laban sa mga pulis na gumamit ng “excessive at unnecessary force” sa pagsisilbi ng arrest warrant laban.

https://balita.net.ph/2024/06/13/ex-pres-duterte-kakasuhan-mga-pulis-na-nagsilbi-ng-warrant-kay-quiboloy/