Nagbigay ng reaksyon ang comedy queen na si Ai Ai Delas Alas matapos makatanggap ng batikos sa pagpalag niya sa isang taga-Star Cinema na pinapabura umano ang balita tungkol sa plano niyang “Tanging Ina” reunion.

MAKI-BALITA: Ai Ai, pumalag: Balita tungkol sa ‘Tanging Ina’ reunion, pinapabura ng taga-Star Cinema?

Sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP nitong Biyernes, Hunyo 14, sinabi umano ni Ai Ai na hindi na raw siya nagpapaapekto sa mga nagsasabing laos na umano siya dahil wala naman daw alam ang mga ito sa totoong kuwento ng naturang isyu.

“ [...] Kayong mga basher, ang hilig-hilig ninyo na kapag mayro’n kayong pinag-iinitang mga artista na gusto ninyong i-bash, ang hilig-hilig ninyong pagsabihan ng 'laos, laos, laos! Nakooo, kung yan ang opinyon ninyo, wala akong magagawa,” saad ni Ai Ai.

Tsika at Intriga

4th Impact pumalag na sinabi raw nilang sila ang Blackpink ng Pinas, nilait ang BINI

"Pero modesty aside, at least, kung laos man ako, sumikat ako! Kilala ako sa Pilipinas, kilala rin ako sa lahat ng mga bansa na may mga Pilipino,” wika niya.

Dagdag pa niya: “E, kayo? Hindi ko naman kayo kilala kaya kayo ang laos kasi hindi naman kayo sikat. At saka kung hindi naman ako sumikat, hindi niyo naman ako pag-aaksayahan ng panahon… ‘di ba? Aminin!”

Matatandaang inilathala ng ABS-CBN noong Hunyo 6 ang pinapabura umanong balita kung saan sinabing nakipag-ugnayan daw si Ai Ai sa Star Cinema para sa bagong installment ng “Tanging Ina.”

MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas, pinaplano ang ‘Tanging Ina’ reunion