Muling nagsalita si Kapuso actor Xian Lim kaugnay ng kontrobersiyal na hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Kapamilya star Kim Chiu.

Para sa promotion ng pelikulang "Playtime" sa "Fast Talk with Boy Abunda," sinabi ni Xian na hindi raw siya ang nag-initiate ng hiwalayan nila ni Kim, taliwas sa mga kumakalat na tsikang nagpaluto pa siya ng paboritong steak sa ex bago sinabi rito ang tungkol sa kanilang split.

MAKI-BALITA: Xian, itinangging nagpaluto muna ng steak kay Kim bago nakipaghiwalay

Sinabi rin ni Xian na nananatili pa rin silang "friends" ni Kimmy.

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

"When that night happened, maayos 'yong pag-uusap namin. Of course, merong iyakan, but there was that assurance na we—we went through 12 years, 'di ba? 12 years of our existence, so it has that respect, you know?" ani Xian.

"To be completely honest, I wasn't the one who engaged in the separation. 'Yon lang po siya. It's that simple. I wasn't the one who initiated the breakup."

Matatandaang noong Nobyembre 2023 unang umalingasngas ang tungkol sa umano'y pagkakalabuan ng KimXi. Nakumpirma naman ito noong Disyembre matapos nilang maglabas ng statement sa kani-kanilang social media accounts.

Hindi naman ni-reveal ng dalawa ang dahilan ng hiwalayan nila kahit 12 taon na silang magkasama.

MAKI-BALITA: Nag-request na lutuan siya: Xian, hiniwalayan si Kim habang kumakain ng steak?

Sa isang magazine interview, inamin naman ni Xian na nasa dating stage na sila ng film producer na si Iris Lee, na nali-link na sa kaniya noon pa sa kasagsagan ng break-up issue.

MAKI-BALITA: CONFIRMED! Xian Lim, Iris Lee masayang nagde-date!

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Kim tungkol sa mga bagong rebelasyon ni Xian.