Nagsalita ang nagpakilalang head of production ng naganap na Miss Universe Philippines pageant na si Borg Roxas tungkol sa rant post ni Jef Albea, ang designer ng mga trophies na ginamit sa coronation night ng pageant, na nagsasabing hindi siya binayaran ng pamunuan ng organization sa kaniyang serbisyo.

"Hi guys, as head of production we were surprised sa post ni Mr Jef Albea. Let me address this issue.

First, last year at The Miss Philippines finals, we paid him 150,000 pesos without any OR. Naisip namin na magandang gift sya sa mga winners para hindi lang yung crystal trophy na mura lang ang souvenir items ng mga winners. Nagbayad naman ang production agad kasi konti lang suppliers," aniya sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes ng madaling-araw, Hunyo 13.

"During the MUPh finals, magulo na lahat sa backstage. I admit na kausap namin si Sir Jef. Pero on the day of the finals pinadala yung mga artwork, and on that day din namin nalaman through his asst na need magbayad ng 75,000 pesos."

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"Magulo na lahat backstage and wala naman may hawak ng cash. So sinabi namin na kailangan proper documentation like billing etc."

"Kausap din nila ang staff namin even until yesterday June 12 na inaayos lang for billing kasi ang daming suppliers sa production from artists to technicals etc."

"Lahat ng suppliers nagpapadala ng billing statement at invoice prior to May 22 para aligned na lahat. Nauuna nabayaran yung nagpapadala agad kasi may paperwork."

"With Sir Jef, aside from we are paying him, we are also promoting him. We never promoted any other suppliers kasi natuwa kami na he was willing to help elevate the gifts for the winners," paliwanag niya.

Dagdag pa niya, ikinalungkot ni Roxas ang biglaang pagpo-post ni Albea gayong magkausap naman daw sila ng staff. Giit niya, wala naman daw silang tinatakasan at lahat naman ay mababayaran.

"Nakakalungkot lang na nagpopost na agad sya na magkausap naman sila ng staff. Hindi sya nakasama sa May 30 cut off kasi walang papers. Kaya sa June 15 cut off sya nakasama kasi magkausap sila ng staff.

Kailangan din namin sa production magsubmit ng tamang papeles kasi walang kasulatan with Sir Jef sa terms. Pero kahit ganun man, wala naman TINATAKASAN."

"Pero yung tatakasan ang 75k, bakit namin gagawin yun eh last October binayaran namin sya. Pero since malaki MUPh need namin ng proper documentation. Again, hindi ang MUPh ang nagkamali dito. Sa production side, kailangan namin idefend sa management kahit walang billing or invoice. Nag yes naman agad management sa amin. Pero sa usual na may billing and proper documentation lang para pag dating sa filing ng taxes, madefend namin ang expenses. Lahat naman mababayaran. 🫶🏼"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag tungkol dito si Albea.

MAKI-BALITA: ‘I did not get paid!’ Reklamo ng nagdisenyo ng Miss Universe PH trophies, usap-usapan