Usap-usapan ng mga netizen ang makahulugang post ng social media personality na si Crissa Liaging na may nakaiintrigang caption, na ayon sa mga marites na naghinuha, ay mukhang patutsada raw kina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na nakapanayam sa "Fast Talk with Boy Abunda."

Sa nabanggit na panayam, klinaro ni Philmar na wala silang ugnayan ni Crissa matapos pag-usapan at malisyahin ang viral video nila habang nag-uusap.

Hindi nagustuhan ng mga netizen ang masyadong paglapit ng mukha ni Philmar sa mukha ni Crissa at pagtataas niya ng pang-itaas na damit.

MAKI-BALITA: Babaeng kausap ni Philmar Alipayo sa minalisyang ‘viral video,’ nagsalita na

Tsika at Intriga

Baron Geisler, tinantanan na ang anak kay Nadia Montenegro

Bagay na nilinaw naman din ni Crissa na wala rin naman daw iyon sa kanilang dalawa. Naglabas din ng pahayag si Andi na aniya'y walang masamang makipag-usap si Philmar sa ibang tao, subalit ang masama ay i-upload ang isang edited video na puwedeng malisyahin ng lahat, bagay na pasaring daw kay Crissa.

MAKI-BALITA: Andi nagsalita na sa viral video ni Philmar

Matapos nito ay agad namang naglabas ng pahayag si Crissa at sinabi niyang tao lang siya at nagkakamali.

MAKI-BALITA: ‘Tao lang po nagkakamali!’ Crissa, sumagot sa pasaring ni Andi?

Going back sa panayam ng mag-partner, nabanggit na hindi raw ang tipo ni Crissa ang bet ni Philmar.

"Nakaka gigil sarap sabihin yung totoo!!" makikita sa caption ng post ni Crissa habang tila nagpupuyos ang kaniyang kalooban sa loob ng sasakyan.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mag-partner tungkol dito.