Usap-usapan ang ikinakasang "parody show" ng direktor na si Darryl Yap at VinCentiments sa noontime show na "It's Showtime."

"Gusto mo bang Mapahiya?

o Gusto mo lang Mamahiya?

It’s your Shame

Tsika at Intriga

RR Enriquez, di kilala ang BINI pero 'wag daw pakialaman ang face mask nila

It’s your Time

Mamahiya na!

Its…" mababasa sa anunsyo ng VinCentiments.

Shinare naman ito ni Yap sa kaniyang Facebook account.

"Noontime Show sa Hatinggabi. Malapit na!" aniya.

Ibinahagi rin ng direktor at kinomentuhan ang isang video clip mula sa Showtime kung saan tinanong ni Vice Ganda ang co-hosts at mga kaibigang sina MC at Lassy tungkol sa kaniya.

"Mahal ko sina MC at Lassy,

parehas magalang, mahusay at mabubuting tao-

hindi ko naramdaman na gusto nilang itangging kaibigan nila ako on National TV.

Hindi ko lang alam kung anong damo ang nakain ni Vice para gumanyan.

Wag mo ko masyadong isipin, para di ka nahahalata…

#shametime," saad ni Yap.

Nagkomento rin ang direktor sa isang Facebook post na nagsasabing hindi raw niya kayang mapataob ang It's Showtime.

"palibhasa, nasanay itong mga ito sa cancel culture; akala nila pag may pinuna, ang gusto ay icancel, ipasara, boycott etc.

"grabe ka naman dun sa 'makakapagpataob'"

"hindi ko goal yun; ang makakapagpataob lang ng isang tao o samahan o palabas o istasyon ay ang kanilang sarili," aniya.

Batay sa ibinahaging petsa, mapapanood ang parody show sa Hunyo 17, Lunes.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Vice Ganda o iba pang hosts ng It's Showtime tungkol dito.