Nakikipag-ugnayan na umano ang "Pride PH" kay Frontline Pilipinas showbiz news anchor KaladKaren matapos itong maglabas ng hinaing patungkol sa umano'y "unprofessional dealings" sa kanila, na may kinalaman sa adjustment ng schedule nito sa "Love Laban 2 Everyone" sa Hunyo 22, para sa pagdiriwang ng Pride Month.

Nakipag-ugnayan ang Balita sa Pride PH sa pamamagitan ng Messenger upang hingin ang kanilang panig sa isyu, at agad naman silang nagpahatid ng sagot.

“The concerned parties are currently coordinating directly with KaladKaren to address this issue. We appreciate the efforts and value the time of all our performers and guests. We hope to resolve this matter soonest for the best interest of all parties,” anila.

Ayon sa rant Facebook post ni KaladKaren, hindi niya nagustuhan ang “unprofessional” na dealing sa kaniya ng organisasyon matapos magkaroon ng adjustment sa schedule.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"'Kung di ka keri mag adjust ng sched, next year ka na lang,'" saad daw sa kaniya nang kausap nang sabihin niyang hindi na siya makakapag-adjust ng schedule dahil marami rin siyang ganap sa nabanggit na araw.

Bihira umano siyang mag-post ng reklamo sa social media, subalit ang insidenteng ito ay hindi niya mapalalagpas at hindi niya nagustuhan.

“Now, how can you call this Pride when you let members of the community down? What happened to “we are stronger together?” I rarely rant on social media, but I was really offended with how this issue was handled. I think this is unfair and unprofessional. 😔” aniya.

MAKI-BALITA: KaladKaren sa PridePH: ‘What you did to me was unprofessional!’

Samantala, wala pang updates si KaladKaren kung naayos na ba ang "di-pagkakaunawaan" sa pagitan nila ng Pride PH.