Nasolo ng taga-Rizal ang ₱33.5 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 nitong Araw ng Kalayaan, Miyerkules, Hunyo 12.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Huwebes, Hunyo 13, matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning numbers na 07-40-25-08-30-39 na may premyong ₱33,595,070.80.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Nabili umano ang winning ticket sa Rodriguez, Rizal.

Upang makubra ang premyo, kinakailangan lamang umano ng lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

Muli namang hinikayat ni PCSO General Manager Mel Robles ang publiko na tangkilin ang kanilang mga palaro upang magkaroon na ng tiyansang maging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Samantala, papalo naman sa ₱57 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 at ₱48 milyong naman ang Lotto 6/42 na pawang bobolahin ngayong Huwebes ng gabi.