Yumanig ang isang magnitude 4.2 na lindol sa probinsya ng Palawan nitong Huwebes ng hapon, Hunyo 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:00 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 34 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Coron, Palawan.

May lalim itong 10 kilometro.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.