Nakakaloka ang mga reaksiyon at komento ng netizens sa panayam ng Kapuso actor na si Xian Lim sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkules, Hunyo 12, kung saan sinabi niyang hindi raw siya ang nag-initiate ng hiwalayan nila ng ex-girlfriend na si Kim Chiu.

Para sa promotion ng pelikulang "Playtime" sa "Fast Talk with Boy Abunda," sinabi ni Xian na hindi raw siya ang nag-initiate ng hiwalayan nila ni Kim, taliwas sa mga kumakalat na tsikang nagpaluto pa siya ng paboritong steak sa ex bago sinabi rito ang tungkol sa kanilang split.

Sinabi rin ni Xian na nananatili pa rin silang "friends" ni Kimmy.

"When that night happened, maayos 'yong pag-uusap namin. Of course, merong iyakan, but there was that assurance na we—we went through 12 years, 'di ba? 12 years of our existence, so it has that respect, you know?" ani Xian.

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

"To be completely honest, I wasn't the one who engaged in the separation. 'Yon lang po siya. It's that simple. I wasn't the one who initiated the break-up..." aniya.

Mababasa naman sa comment section sa YouTube channel ng GMA Network ang mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Wala ako sympathy sa kanya para syang narcissistic para sa akin.."

"Kung c Kim man ang nag iniate ng break up ok lng kac12 yrs na kayo wala ka nmang planong i level up ang relasyon un sa interview sayo laging sagot mo wala pa sa plano ang pagpapakasal pero pwede nmang magpropose ka at maging fiancee mo c Kim hindi nman kailangang magpakasal kayo agad assurance lng sana para kay Kim kaya paede ba tigilan mo na c Kim move on ka na masaya na c Kim."

"It does not matter who initiated the break up.. kung Ako si Kim tama lang ang ginawa niya kasi for 12 years wala ka pa ring Plano,naka kaduda na yon."

"Given na si Kim na nakipaghiwalay well it takes a lot of courage and self love ang ginawa nya bec ang iniwan nya ay 12 yrs na walang patutunguhan naman pala. 34 na sya pero walang plan ano yun. Now alam na ni Xian na kaya sya may pwesto sa showbiz at kilala because of Kim Chiu na hindi nya maamin amin nuon."

"Kahit naman ako noh, 12 years tas walang marriage proposal?! Mag break na lang tayo kesa maghintay ako sa wala!"

"So what if Kim initiated the break up. Does he think people dislike because him they believe he broke it off with Kim? He is clearly shifting the blame on Kim and seeking symphathy 🫤 stop it. I found it amusing at first but he needs to stop talking about Kim. He has bigger problems, this break up isn't even on the top of the list (no mass appeal nahatak lng career nya cause of Kim, attutude problem, mahirap ka work coming from multiple people, bad acting, etc )"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kim patungkol dito.

Matatandaang noong Nobyembre 2023 unang umalingasngas ang tungkol sa umano'y pagkakalabuan ng KimXi. Nakumpirma naman ito noong Disyembre matapos nilang maglabas ng statement sa kani-kanilang social media accounts.

Hindi naman ni-reveal ng dalawa ang dahilan ng hiwalayan nila kahit 12 taon na silang magkasama.

Sa isang magazine interview, inamin naman ni Xian na nasa dating stage na sila ng film producer na si Iris Lee, na nali-link na sa kaniya noon pa sa kasagsagan ng break-up issue.

MAKI-BALITA: Xian Lim, di raw nag-initiate sa hiwalayan nila ni Kim Chiu