Minura ng isang netizen si "Eat Bulaga" host Maine Mendoza-Atayde matapos niyang ibahagi ang kaniyang "random thoughts" patungkol sa mga taong nagpapa-picture sa public figures at nagre-request pang tanggalin nila ang suot na face mask.
Mababasa sa X post ni Mrs. Atayde, "Random thought dahil ang daming may sakit ngayon."
"People should stop asking anyone to take off their masks when posing for a photo. Some public figures wear masks in public for reasons beyond just avoiding recognition. Sometimes, some individuals opt to wear masks because they are unwell and prefer not to risk contracting or spreading a virus."
"Ang hirap mag trabaho nang masama ang pakiramdam kaya ingat always, fam."
Bagama't marami ang sang-ayon sa kaniya, isang netizen naman ang nagpakawala ng malutong na mura at nam-block pa sa kaniya.
"Putang Ina Mo," mababasa sa mura ng netizen.
"bakit parang kasalanan ko roldan"
"nasaan yung ‘po’ ???"
Ibinahagi naman ni Maine ang screenshots ng post at X account nito matapos siyang i-block.
Kung titingnan, mababasa sa bio ng netizen na "I am Not A Perfect Person, But I know How To Respect."
Kaya tanong ni Menggay, "roldan paano"
Umani naman ito ng reaksiyon at komento sa netizens.
"hahahahahahah😭😭😭 teluk mo kasi kuya eh na dogshow ka tuloy ni Maine Hahahahaha"
"know how to respect daw, nasan ang respect don hahaha."
"Ipahanap mo na yan hahaha."
"Grabe makamura ha, wala na bawian koya."
Samantala, wala pang update si Maine kung balak ba niyang ipahanap ang user sa likod ng X account.
MAKI-BALITA: Fans paladesisyon: Maine Mendoza, nagpaalala tungkol sa face mask