"Feeling sad" at hindi nakapagtimpi si "Frontline Pilipinas" showbiz news anchor KaladKaren matapos ang naging karanasan sa "PridePH."

Dahil "Pride Month" ang buwan ng Hunyo, nakakasa na ang gawain ng PridePH na tinawag na "Love Laban 2  Everyone: Pride PH Festival 2024" kung saan kinuhang host si KaladKaren, na magaganap sa Hunyo 22, sa Quezon City Memorial Circle.

Ayon sa rant Facebook post ni KaladKaren, hindi niya nagustuhan ang "unprofessional" na dealing sa kaniya ng organisasyon matapos magkaroon ng adjustment sa schedule.

"Pride PH, I just want to say that what you did to me was unprofessional," entrada ng post ni KaladKaren.

Tsika at Intriga

4th Impact pumalag na sinabi raw nilang sila ang Blackpink ng Pinas, nilait ang BINI

'Kung di ka keri mag adjust ng sched, next year ka na lang'

"I was invited last minute by your organization to host the 8-10 PM slot of the event on the 22nd. Kahit late invite na, I requested our management team na gawan ng paraan and adjust our schedule on that day dahil maraming ganap. I told them to make sure that 8-10 pm is available for the PridePH event dahil nakapag yes na ako sa kanila."

"I also have an event in the morning of the 22nd. I was invited (properly) by the QC government to be the guest of honor and speaker of the “graduation rights” for LGBTQIA+ members at QC circle. In the afternoon, I have a schedule for a brand shoot. So puno talaga schedule namin on that day."

"Then you come to me only a week before the event asking me to adjust my schedule and take the 12-2pm slot instead. I said I’m sorry I can’t do that because I have something scheduled after the “graduation rights”. My only availability for that day is the 8-10pm that you have initially requested."

"Tapos ang reply niyo… kung di ka keri mag adjust ng schedule, next year ka na lang. Ha?!! Hindi ba kayo ang nagbigay ng schedule na yun in the first place? I didn’t mind the late invite na nga… tried my best to adjust our schedule because I really want to do it for the community. Didn’t ask for TF etc. I just want to be there and celebrate pride."

Ayon pa kay KaladKaren, bihira siyang mag-post ng reklamo sa social media, subalit ang insidenteng ito ay hindi niya mapalalagpas at hindi niya nagustuhan.

"Now, how can you call this Pride when you let members of the community down? What happened to “we are stronger together?” I rarely rant on social media, but I was really offended with how this issue was handled. I think this is unfair and unprofessional. 😔"

Samantala, hiningi naman ng Balita ang panig ng Pride PH patungkol sa isyu.

"The concerned parties are currently coordinating directly with KaladKaren to address this issue. We appreciate the efforts and value the time of all our performers and guests. We hope to resolve this matter soonest for the best interest of all parties," anila.