Nakakaloka ang karanasan ni Alex Gonzaga nang bumisita sila ng asawang si Mikee Morada sa Ormoc City kamakailan.

Makikita sa kaniyang Instagram post noong Hunyo 10 ang pagdumog sa kanila ng mga taga-Ormoc matapos nilang dumalo sa isang event.

Habang naglalakad, kapansin-pansin ang isang kamay na biglang dumakma sa kaliwang dibdib ni Alex.

"The story of my life as a flat girl 😏😫," caption dito ni Alex.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, tinantanan na ang anak kay Nadia Montenegro

Sa text caption naman ng video, mababasang gusto lang naman daw niyang makipag-kamay sa mga taga-Ormoc matapos nilang bumisita roon.

Hindi raw akalain ni Alex na may mandadakma sa kaniyang boobey, na palagay raw niya, dibdib ng mister na si Mikee ang target.

Wala raw dapat ipag-alala ang mga concern kay Alex dahil sa tingin niya, hindi naman daw sinasadya ni Ate Girl ang pagdaklot sa kaniya.

"POV: ang gusto ko lang naman makamayan ang mga taga-ORMOC."

"Kala ni ate asawa ko nadibdiban nya, tumili pa eh! Akin yun nilapirot mo teh," anang Alex.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"This is unbelievable. This is not a funny matter at all. I hope they reprimand and sanction the person who did this to you Alex. Mygosh! This is never going to be okay! Not acceptable at all," komento ng isang netizen.

Paliwanag naman ni Alex, "It’s not right but i saw ate’s face she was just excited and that wasn’t her intention. There were guards, barricades and so much people kaya baka di nya na nakikita nahahawakan nya. We have to be careful nalang next time nalang talaga pag marami tao ❤️"

"It's a no no for me kahit flat screen ka😒 charrr haha pro hindi yan sadya ni ate for sure. sabik lang siya mahawakan ka without realizing na baka iba na yung mahawakan niya..... at ayun nga iba nga talaga yung nahawakan😂" saad pa ng isang netizen.

Tugon naman ni Alex, " yes na-excite lang si ate kaya next move ko nakaside nako para arms nalang madakma heheheh"

Iba pang komento ng netizens:

"Whuuuut?! Omg! Bakit may kamay dun! I had the same experience when I was like 16 or 17 years old..nakaka-trauma! 😢"

"swerte naman nun, nakahawak sya ng mamahaling pader"

"You are loved by us Leyteños, Alex!"

"Grabeng remembrance para kay ate yun."