Ibinahagi ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes na nakatanggap siya ng cakes mula sa mga kaibigan bilang selebrasyong naka-survive siya sa isang buong taon na single at walang boyfriend.

Sa unang cake na ibinalandra ni Blythe, makikitang galing ito kina "B & D."

"Congratulations! You've made it through an entire year, which is 365 days , without a boyfriend. Good job!" mababasa sa mensaheng nasa ibabaw ng cake.

Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Tsika at Intriga

Baron Geisler, tinantanan na ang anak kay Nadia Montenegro

Ang "B & D" ay initials ng mga kaibigan niyang sina Bea Borres at Danica Ontengco.

Isang pink cake naman ang ipinadala rin sa kaniya kasabay ng Independence Day nitong Hunyo 12, dahil sa pagiging single niya.

Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG) via Fashion Pulis

Matatandaang ang huling nakarelasyon ni Andrea ay si basketball player Ricci Rivero, na ngayon ay hayagan na ang relasyon kay Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

Naugnay naman si Andrea sa ex-boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla subalit hindi naman nakumpirma ito.

Simula noon ay wala nang naugnay na boylet kay Andrea na mag-iisang taon na palang single lady.