Nagbigay ng mensahe si Vice President at Department of Education Secretary Sara Z. Duterte para sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan nitong Miyerkules, Hunyo 12.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Duterte na ang araw na ito ay isa umanong paalala at pagkilala sa mga bayani ng bansa.

“Ang araw na ito ay isang pag-alala at pagkilala sa ating mga bayani, sa lahat ng sakripisyo nila para sa ating kalayaan at kasarinlan,” pahayag ni Duterte.

“Ito ay isa ring paalala sa atin na ipagpatuloy natin ang pagtutulungan at pagkakaisa tungo sa isang matatag, mapayapa, at maunlad na bansang Pilipinas,” aniya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Dagdag pa niya: “Muli, isang makabuluhang paggunita ng Araw ng Kalayaan sa ating lahat.”