Usap-usapan at pinagtatakhan ng mga netizen kung bakit hindi raw naka-follow ang aktres na si Julia Barretto sa close friend niyang si Erich Gonzales sa Instagram.

Ito ang napaulat ng Fashion Pulis makaraang mapansing naka-follow pa si Erich kay Julia subalit ang huli ay hindi na kay Erich.

Sinilip naman ng Balita ang Instagram page ng dalawang aktres at kumpirmadong hindi naka-follow si Julia kay Erich, subalit naka-follow pa rin si Erich kay Julia.

Photo courtesy: Erich Gonzales (IG)

Tsika at Intriga

Iyah Mina, nag-react sa isyu ng pagtawag ng 'sir' sa transgender customer

Photo courtesy: Julia Barretto (IG)

Simula nang ikasal si Erich ay nag-hiatus ito sa showbiz kaya marami na rin ang nasasabik sa muli niyang pagsabak sa proyekto. Matatandaang pumirma pa siya ng kontrata sa ABS-CBN bago mag-showbiz hiatus.

Ayon naman sa ulat ng page ng Kapamilya Online World, napansin din ng mga netizen na hindi na naka-follow si Julia ulit at Liza Soberano kay Kathryn Bernardo.

Sinilip din ng Balita ang Instagram accounts nina Liza at Julia at wala na nga sa following list nila si Kathryn.

Photo courtesy: Julia Barretto (IG)

Photo courtesy: Liza Soberano(IG)

Matatandaang nauna na raw nag-unfollow sa kanila si Kath sa kasagsagan ng hiwalayan issue nila ni Daniel Padilla.

MAKI-BALITA: Anong isyu? Kathryn, inunfollow sina Liza, Gillian, at Julia

Well, ang tanong dito, nag-unfollow ba si Julia kay Erich o sadyang hindi lang siya naka-follow sa kaniya eversince?

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga nabanggit na stars sa isyung ito.