Ibinahagi ng negosyante at social media personality na si Jayson Luzadas o mas kilala bilang Boss Toyo ang tungkol sa pangungumbinse umano sa kaniya na pumasok sa politika.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News noong Martes, Hunyo 11, sinabi umano ni Boss Toyo na may natanggap siyang alok na tumakbo bilang konsehal sa Maynila.

“Tama ka na may offer sa District 1 sa Manila bilang councilor. Isa ‘yon sa mga offer. I’m still thinking. Newbie tayo diyan kaya titingnan muna natin kung ano ba ‘yong kaya nating gawin. Mahirap magpaasa ng mga tao kung hindi natin mapu-fulfill ‘yong mga ibibigay natin sa kanila,” saad ni Boss Toyo.

“There are plans. Actually sobrang daming plano. Iba’t ibang positions ang offer. I am still weighing kung ano ba talaga ‘yong gusto ng puso ko. Nasa puso ko talaga ang public service,” aniya.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Sa katunayan, ayon kay Boss Toyo, kahit hindi pa raw siya sikat ay naglulunsad na siya ng mga charity sa Smokey Mountain at Happyland.

“Ayaw ko lang makita ‘yong iba na walang tumutulong sa kanila katulad nung naranasan ko before. Ang hirap kasi non. Kung able na, kung may sobra naman, why not na tumulong,” pahayag niya.

Gayunman, sa kabila ng natatamong kasikatan, wala raw nagbago sa pagkatao at ugali ni Boss Toyo. Kung ano raw ang imaheng nakikita ng tao sa social media ay gano’n daw siya sa totoong buhay.

Matatandaang nakilala si Boss Toyo dahil sa pagbili niya ng mga memorabilia ng mga sikat na tao sa pamamagitan ng kaniyang “Pinoy Pawnstar.”