Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan nitong Miyerkules, Hunyo 12.
Sa Facebook post ng Office of the President, nakasaad doon ang mensahe ng kaniyang pakikiisa kung saan binalikan niya ang makasaysayang pangyayari sa Kawit, Cavite.
“On that glorious day in Kawit, Cavite 126 years ago, the triumphant tunes of our national anthem echoed throughout the jubilant air as our flag freely waved for the first time. It heralded the birth of the Philippines and declared to the world our untiring resolve to chart our own destiny as a sovereign nation,” saad ni Marcos, Jr.
“A century and a quarter has passed since we unshackled the chains of subjugation yet the fervor of nationalism persistently burns brightly in each of us today. We stand united as ever, upholding with pride the hard-earned liberty bequeathed to us by our forebears,” aniya.
Ayon pa sa pangulo, bagama’t iba na ang panahon sa kasalukuyan kumpara noon, nananatili pa rin umano ang pakikibaka ng bawat Pilipino. Nasasaksihan pa rin umano ng bawat isa ang espiritu ng kalayaan sa mga Pilipino na lumalaban nang patas sa araw-araw na buhay.
“We see it in the resilience of our farmers and fisherfolks as they provide us sustenance. We see it in the dedication of our teachers as they nurture the minds of the future generation. We see it in the tenacity of our soldiers as they protect every inch of our territory, adamant as they are in the certainty that Filipinos do not, and shall never, succumb to oppression,” pahayag niya.
Kaya naman habang ipinagdiriwang umano ang pagkakatatag ng bansa, ituon daw sana ng bawat isa ang kanilang sarili sa mapanghamon ngunit nakapagbibigay ng lugod na tungkulin sa pagbuo ng isang Bagong Pilipinas na kumakatawan umano sa isang makatwiran, progresibo, at malayang republika.
“Maligayang Araw ng Kasarinlan at mabuhay ang malayang sambayanang Pilipino!” sabi pa ng pangulo.