Inilarawan ng Kapuso star at Primetime Queen na si Marian Rivera ang up-coming Cinemalaya film niyang “Balota.”

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News noong Martes, Hunyo 11, sinabi ni Marian ang dahilan kung bakit gusto niyang ulitin ang naging karanasan niya sa nasabing pelikula.

"Nakakakilig. It was a great experience. I want to do it again," saad ni Marian.

"I am super excited. I was able to do many firsts— no makeup, direct does not like, or say lines I usually can't in films and TV series. This is the fight scene I did not ask for a double," wika niya.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

Dagdag pa ng aktres: “I have so many wounds! But it is okay—they will heal. At least, I was able to give my best for the film."

Sa huli, sinabi ni Marian na ipagdasal umano na mabuhay ang lahat ng pelikulang Pilipino at makabalik muli sa sinehan ang mga tao.

"Ipagdadasal natin mabuhay lang lahat ng pelikulang Pilipino. Ang gusto natin maibalik yan sa lahat ng mga tao," pahabol pa niya.

Anyway, ang pelikulang “Balota” na kombinasyon ng mga sumusunod na genre: action, drama, suspense at comedy—ay isinulat at idinirek ni Kip Oebanda. 

Magsisimula ang Cinemalaya Film Festival sa Agosto 2 at matatapos sa Agosto 11.