Arestado ang isang lalaki sa Cebu City matapos manakit ng tatlong di-kilalang babaeng nakasalubong lang sa daan dahil sa dahilang magaganda raw sila.

Ayon sa ulat ng Unang Balita sa morning show na "Unang Hirit," inireklamo ng mga babae ang nabanggit na lalaki matapos daw silang walang sabi-sabing saktan.

Ang unang babaeng nakasalubong daw ay siniko, habang ang isa naman ay sinuntok sa ilong, at ang panghuli naman ay nasapok sa bandang mata.

Nang tanungin kung ano ang motibo, sinabi raw ng lalaki na galit siya sa mga magaganda dahil sila ay "peke."

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Itutuloy naman daw ng mga nasaktang babae ang pagsasampa ng kasong serious physical injury sa nabanggit na suspek.