Nakatanggap ng papuri ang Kapamilya singer-actor na si Kyle Echarri dahil sa paglalagay niya ng lipstick sa labi.

Sa isang Instagram post kasi ni Kyle noong Lunes, Hunyo 10, matutunghayan ang advertisement video niya ng isang lipstick brand. 

“Liptransfer reveal? Spoiler: There’s None. 😉” saad ni Kyle sa caption ng post.

Tsika at Intriga

4th Impact pumalag na sinabi raw nilang sila ang Blackpink ng Pinas, nilait ang BINI

Dagdag pa niya: “The ultimate transfer challenge featuring my white shirt! No smudge. No fuss. For 16 hours!”

Natuwa naman ang mga netizen sa ginawang ito ni Kyle dahil tila binabasa umano nito ang gender stereotyping na laganap sa kasalukuyan. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Kyle is giving us DIVERSITY. Opening minds na ang lipstick at make up ay hindi lang pang babae. LALO KANG PUMOPOGI SA MGA GINAGAWA MO KYLE ECHARRI I LOVE YOU 😍❤️🔥👏"

"Breaking boundaries and gender stereo types!!! 🔥🔥👏🔥🔥 yashh sirrrr"

"What a brilliant campaign 👏🏼👏🏼👏🏼"

"Kyle, this is precious for so many reasons—and all of them are right. And glorious! 💪🏽🤎🇵🇭"

"Mas astig yong linis ng ngipin,napaka cool pagmasdan..."

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 31, 529 likes ang naturang post ni Kyle.