Pinag-uusapan sa social media ang ilang mga kuhang larawan ni 4th District of Leyte Rep. Richard "Goma" Gomez dahil daw kapansin-pansing tila hindi na raw pang "matinee idol" at "mala-Adonis" ang kaniyang hitsura ngayon.

Isa sa mga nagbigay ng komento rito ay ang direktor at writer na si Ronaldo Carballo.

"Matagal ko na syang hindi nakikita," mababasa sa Facebook post ni Carballo.

"Ganito na ba talaga ang itsura ni Richard Gomez now at 58?"

Kapatid ni Rico Yan, 'di ipinagbabawal pagbisita sa puntod ng aktor

"Parang masyado naman nyang in-internalized ang kanyang pagiging Farmer at Pulitiko sa Probinsya."

"Hindi man lang makapagpa-haircut."

"Naku, kung hindi sana sya nag-Pulitiko, aktibo pa rin sana syang leading man sa TV at Pelikula at magandang lalaki pa rin sya hanggang ngayon."

"Nakaka-miss ang kaibigang aktor at nag-iisang Adonis ng Pelikulang Pilipino."

Photo courtesy: Ronaldo Carballo (FB)

Sa comment section ng kaniyang post, dagdag pa niya, bukod sa pag-aalaga sa sarili, sana rin daw ay inaalagan siya ng kaniyang misis na si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez.

"ok lang kung medyo tumambok ang tyan. wag lang pabayaan ang sarili na mukhang gusgusin o very untidy. hindi naman komo di na sya naga-artista pababayaan na nya ang looks nya na pwede pa naman i-maintain. Sana as a wife, inaalagaan at minu-monitor din ni lucy ang itsura ni Goms. magpa-haircut man lang."

Photo courtesy: Ronaldo Carballo (FB)

Ilan sa mga personalidad at netizen naman sa comment section ang nagbigay ng kanilang reaksyon dito.

"d na sya conscious sa itsura nya kc d na sya nag aartista, si Aga super groom pa rin kc lumalabas pa rin, si Robin nagpatubo na ng makapal na bigote kc d na rin lumalabas"

"Nagulat nga ako. Ganyan na bigla. Tapos medyo lumaki na rin ang kanyang tiyan, dun sa video minsang sumasayaw sila ni Lucy."

Maging sa mismong Facebook page ni Goma ay may ilang netizen ang nagpapayong magpagupit na siya ng buhok o magpunta kay Dra. Vicki Belo.

"Goma...pa-BELO k nga...madali lng yan..Adonis k n ulit nyan!!!"

"Sana po magpagupit na po kayo ng buhok."

"Pa gupit kana cong...."

Kung sisilipin naman ang updates ni Goma sa kaniyang opisyal na Facebook page, makikitang abalang-abala siya sa pagganap sa tungkulin bilang kongresista.

Nagbigay pa nga siya ng pagbati para sa pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Photo courtesy: Richard "Goma" Gomez (FB)

Isang blogger naman ang nagtanggol kay Goma mula sa mga puna at sita ng netizens.

"Marami ang naglabas ng kani kanilang komento at saloobin sa nagviral na larawan ni Richard Gomez kamakailan lang. Sa aking pananaw, may mga araw talaga na hindi maayos ang ating itsura at nagmumukhang losyang pero hindi ibig sabihin na pinababayaan na natin ang ating sarili o napabayaan na ng ating partner sa buhay. Gwapo pa rin si Richard Gomez kahit ito ay may edad na at higit na nakadagdag sa kanyang pagkatao ang pagiging loyal sa asawa at mabuting padre de pamilya. Huwag tayong manghusga sa kung ano nakita nating itsura sa mga sandaling iyon bagkus ay dapat natin maintindihan na hindi araw araw tayo ay maganda o gwapo sa paningin ng iba," ayon sa admin ng "Trending Topics blog."

Saad naman sa Facebook page na "Trendist," "Bakit ginagawang issue ang hindi pagpapagupit ni Congressman Richard Gomez? Kesyo masyado raw naman niyang in-internalized ang kanyang pagiging farmer at politiko sa probinsya. Parang kebs naman ni Goma ‘di ba? Tutok nga talaga siya sa trabaho niya bilang ­Congressman ng distrito niya."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Richard Gomez patungkol sa isyung ito.