Inireveal na ng hunk actor ang first born baby niya sa pamamagitan ng isang social media post nitong Martes, Hunyo 11.

Sa isang Instagram post ni Albie, matutunghayan sa ibinahagi niyang video ang unang pagkikita nila ng anak niyang lalaki sa airport.

“A great man told me ‘being a dad has no days off and retirement.’ I wouldn’t have it any other way,” saad ni Albie sa caption ng post.

Dagdag pa niya: “I finally got to meet my son. Hello Roman Andrew the world is yours little man.”

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

Bukod dito, makikita rin sa video ang non-showbiz girlfriend niyang si “Michelina” na naka-tag pa sa naturang post.

Naghayag naman ng reaksiyon ang mga kaibigan at kasamahan ni Albie sa showbiz industry. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Ruffa Gutierrez: "Congratulations!! 🎉🎊🎈 not a secret anymore, Ahia!! 👏👏👏"

Alexa Ilacad: "CONGRATS ALBIE!!! 🥰🤍 So happy for you guys!"

Rita Daniela: "Congrats, Albie!"

Diego Loyzaga: "Bro congrats ❤️"

Darren Espanto: "WE CAN FINALLY TALK ABOUT IT PUBLICLY HAHAHA"

Denise Laurel: "CONGRATULATIONS!!!!!"

Agot Isidro: "😭😭😭 can’t wait to meet my apo! ❤️"

Matatandaang nauna nang inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz sa “Showbiz Updates” noong Mayo ang tsikang isa nang ganap na ama si Albie.

MAKI-BALITA: Albie Casiño, isa nang ganap na ama