Usap-usapan ang tila bagong pasaring daw ng Vivamax actor na si Nico Locco, na bagama't walang direktang tinukoy na show at pangalan, ay mukhang para daw kay "It's Showtime" host Vice Ganda.

Kaugnay pa rin ito ng pinag-usapang paninita ni Vice Ganda sa isang lalaking searchee ng segment na "EXpecially For You" matapos manunggab ng beso sa babaeng searchee.

Matapos ngang mag-react dito ng mga dating Hashtag members na sina Nikko Natividad at Luke Conde, gayundin ang mga kasamahan siya sa Viva na sina Juliana Parizcova Segovia at Direk Darryl Yap, isa rin sa mga naglabas ng kaniyang saloobin si Nico, na kamakailan ay sumalang sa nabanggit na segment, na ex-boyfriend ng searchee na si Christine Bermas, na taga-Viva nga rin.

Noong Hunyo 6, una nang naglabas ng kaniyang patutsada si Nico patungkol dito.

Tsika at Intriga

Kathryn dinagsa ng fans sa airport: naikumpara sa BINI?

Subalit nitong Lunes, Hunyo 10, tila may pasegunda si Nico sa nauna niyang rant post.

Mababasa, "Una sa lahat… Bullying has and always will be a very important topic for me, kasi I have people na importante sa akin that were bullied and I saw how it affected them negatively.

Alam natin lahat na this should have already been talked about noon pa. Marami kang binully in forms of ‘biro’ then expecting ‘eme’ or ‘charot’ to balance it out.

You aren’t in a comedy bar where everyone is expected to let jokes slide. Diba dapat it’s a family friendly noon time show para sa mga viewers to watch and enjoy.

Nung sinulat ko yung nakaraan na post, hindi lang yun para sa mga tao na you bullied. Naisip mo din ba on how it could influence the younger generations? You condition them to think na normal lang yung bullying kasi you did it and nobody called you out for it.

Di ako perpekto pero aware nmn tayong lahat na there’s always room for improvement in all of us. I get that. Pero when you are given a chance to influence millions, dapat may sense of responsibility.

My thoughts might not matter to you and that’s okay, but I hope it reaches the people who were and are still experiencing bullying. I see you and I’m looking out for you."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Vice Ganda patungkol dito.

MAKI-BALITA: Rant ng Vivamax actor, pasaring kay Vice Ganda?