Ibinahagi ng Kapuso actor-director na si Xian Lim ang kaniyang workout session, na pinagdaanan niya para sa pelikulang "Playtime" na co-produced ng GMA Pictures at Viva Films kasama sina Coleen Garcia, Faye Lorenzo, at Sanya Lopez.

"It's all about the process," ani Xian sa kaniyang Instagram post.

"I find it crazy on how much hardwork is overlooked. Most of the time, what is highlighted is the finished product on [whether] or not it failed or succeeded. The parts in between are what most will find boring but getting there, crawling your way up is what it's all about. It's pushing through all the pain and overcoming [different] obstacles," saad pa ng aktor.

Pelikula

'Ang sarap pag-aralan!' Mercedes Cabral, bet gumanap sa psychological-thriller film

Ipinakita ni Xian ang snippet ng kaniyang workout session sa isang gym.

Mapapansing naka-limit ang comment section ng IG post kaya wala masyadong nag-iwan ng komento tungkol dito.

Sa isa pang Instagram post, sinabi ni Xian na sadyang nag-gain weight siya para sa role niya sa bagong pelikula.

"Playtime in cinemas June 12 🎬"

"To those wondering and asking -- I got my weight up to around 100kg (220lbs) for this role lol. No one asked me to do it but it's just a conscious effort to gain a little mass with the little amount of prep time I had to get into character and offer a little something different for this film," aniya pa.

Mapapanood ang pelikula bukas ng Miyerkules, Hunyo 12, na tamang-tamang holiday pa dahil sa paggunita sa Araw ng Kalayaan.