Humakot ng inspirasyon sa mga netizen ang balita tungkol sa isang bulag na nakatapos ng kolehiyo sa University of Santo Tomas kamakailan, sa degree program na College of Commerce and Business Administration.

Sa ulat ng ABS-CBN News, ang nabanggit na visually challenged ay si Jerome Santiago, 28-anyos, na gumawa ng kasaysayan sa nabanggit na kolehiyo ng UST dahil siya ang kauna-unahang bulag na mag-aaral na nakatapos sa nabanggit na degree program.

Napag-alamang bata pa lamang ay may suliranin na sa kaniyang paningin si Jerome, hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa panahon ng pagiging tinedyer.

Hindi naging hadlang ang pagkawala ng paningin para mahinto ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral, at nagawa pa niya ito sa isang malaking pamantasang gaya ng UST.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Aminado naman si Santiago na paminsan ay nakakaramdam siya ng pagka-down sa sarili, subalit malaki ang pasasalamat niya sa mga kapamilya, kaibigan, kaklase, at mga gurong sumusuporta at nagbibigay ng lakas ng loob sa kaniya.

“Kahit na nagfi-feel down ka na and you really want to give up, ‘yon ang nagmo-motivate sa’kin. Ang daming tao na nagdi-dream to study at UST pero nandito na, I just want to give my best,” anang Santiago sa panayam sa kaniya.

Naging inspirasyon tuloy si Santiago sa mga netizen, lalo na ang mga tila "tinatamad" nang mag-aral gayong malinaw o nariyan pa naman ang kanilang paningin.

"Congratulations Mr. Santiago! You are an inspiration. God bless you always."

"Congrats, Jerome! We are happy and proud of you. May you inspire the youth of your academic achievements!"

"Congratulations on your accomplishments. Cheers!!!God bless."

"Congrats po and to the proud parent!"

"Salute Sayo Sir. Iyong iba naman naka-graduate muna bago nabulag, nabulag dahil hindi na nakita 'yong sinakripisyo ng magulang, pinabayaan na lang sa kabila ng lahat!!"

"Nakakainsulto ito sa mga kompleto ang paningin. Congrats sa iyo!"

"Congratulations, Jerome! You are one good sample of a persevering & persistent individual, and not giving up on any no good problems received, in order to achieve your dream, to be able to pursue in the professionalism that you choose. God bless you."

Congratulations, Jerome!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!