‘POV: ‘Yung hindi umattend mother mo sa practice ’
Kinaaliwan sa social media ang kwelang post ni Karen Mier mula sa Candelaria, Quezon tampok ang naging pagsuot ng ina sa kaniyang kapatid ng toga hood sa ginanap na hood and cap ceremony bago ang kanilang graduation.
“Maaa sabeng umattend pag may practice ,” pabirong caption ni Karen sa kaniyang Facebook post na umabot na ng 3,400 reactions at 1,700 shares.
Makikita naman sa video ang baliktad na hood na isinuot ng kanilang ina sa nakababata niyang kapatid na si Anabelle kaya’t tinulungan na siya ng isang guro.
Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Karen, 27, na sabay silang nagtapos ng si Annabelle noong Hunyo 7, 2024, kung saan Bachelor of Science in Entrepreneurship daw ang kaniyang tinapos na kurso, habang Bachelor of Science in Accounting Information System naman ang sa kaniyang kapatid.
Ayon kay Karen, nakuhanan niya ang naturang video sa kanilang baccalaureate mass at hooding ceremony noong Hunyo 5, 2024, dalawang araw bago ang kaniyang graduation ceremony.
Naging masaya naman daw ang kanilang ina nang makitang nag-trending ang video hindi lang sa Facebook kung hindi maging sa ">TikTok na mayroon na ring 1.3 million views, 99,000 likes, at 17,000 shares.
“Masaya po kasi hindi namin ine-expect na magte-trending. Sobrang happy po si mama kapag nababasa ‘yung mga comment lalo na sa Tiktok, dami rin pong nagshe-share and heart react,” ani Karen.
Samantala, higit sa pag-trending ng kanilang video, masaya raw sina Karen lalo na’t nagtapos na silang magkapatid ng pag-aaral—at iyan ay dahil daw sa kanilang masipag na ina na isang “single mother.”
Congratulations!