Nakakaloka ang mga netizen na hindi matanggap na ikinasal na ang celebrity couple na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon noong Linggo, Hunyo 9.

MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!

Isa kasi sa mga nagbigay ng mensahe para sa kanila ay si "Magandang Buhay" momshie host Jolina Magdangal-Escueta. Pinatotohanan ng TV host-actress ang tungkol sa "manifesting."

Ang salitang "manifesting" ay tumutukoy sa makabagong kolokyal na termino ngayon, lalo na sa panahon ng mga "Gen Z," sa proseso ng pagpapakita o pagpapakita ng isang bagay mula sa isang ideya, pangarap, o layunin tungo sa katotohanan sa pamamagitan ng intensyon, pag-iisip, at positibong pag-aksyon o pagtupad dito.

Tsika at Intriga

Kathryn dinagsa ng fans sa airport: naikumpara sa BINI?

Karaniwan itong ginagamit sa konteksto ng mga konsepto tulad ng Law of Attraction, kung saan pinaniniwalaan na ang malalim na pagnanais at positibong pag-iisip ay makakatulong upang makamit ang mga hangarin at layunin sa buhay.

Anyway, mababasa sa Instagram post ni Jolens, "Sabi ni April sa vows nya totoo daw pala ang manifesting.. gusto ko lang share na isa ako sa nagmanifest para sa forever nyo. At yung mga sinabi ni Kaloi sa vows naman nya kung paano nya iingatan, aalagaan at mamahalin si April, alam na alam ko na puso nya ang nagsasalita.

Thankful ako na nawitness ko ang kanilang pag iisang dibdib.

Kaloi, bilang bata ka pa magkakilala na tayo, alam ko kung gaano ka kabait na anak at mapagmahal sa family mo. Sobrang happy ko talaga para sayo.

April, mula nung malaman ko na mag sister tayo kay Nanay Nenet, nasundan na kita and ina-admire talaga kita sa galing mo sa craft mo pero higit sa lahat, sa pagka humble mo.

Congratulations and best wishes!!!♥️♥️♥️

Ps, sarap makawitness ng mga kaibigan na pa-forever tapos kasama ko ang aking forever.. (love you mahal)," dagdag pa ni Jolens.

Subalit tila maraming hindi natuwa sa mga nasabi ni Jolina lalo na sa sinabi niyang "mapagmahal sa pamilya" ang aktor, dahil paano naman daw ang ex-partner ni Carlo na si Trina Candaza gayundin ang panganay nilang anak na si Mithi?

MAKI-BALITA: Netizens, nakisimpatya kay Trina Candaza: ‘Maghihiwalay din sila!’

"Mapagmahal sa pamilya???😂😂😂 ang unang pamilya inabandona😂😂😂😂."

"Mapagmahal hehe natawa ako dun. Saksi din kami sa pananakit nya sa damdamin ni angelica at ni trina."

"Maganda sana kung naging mabuting ex si Carlo sa nanay ng anak nya, pede pa maintindihan ng mga tao na baka nga nag bago sya. Kaso sa pain na kinause nya sa maraming babae kagaya natin. Hndi sya credible na maalam mag mahal or rumispeto ng isang babae. Pano pa kung hindi sincere pag susustento sa anak? Madaming factor need iconsider sa ganyang klaseng lalaki. Hindi porket nagpakasal eh nag bago or matured na lalaki na. Buti hindi sila nagka tuluyan ni Trina kasi hndi nya deserve ang isang baby boy kundi a REAL MAN."

"Mapagmahal sa family? Are u kidding? What do u call a man who turned his back to his very own flesh for his own sakes happiness? Like seriously!!!???"

Ngunit isang netizen naman ang tila dumepensa sa panig ni Jolina.

"Puro kau kawawa si Trina, Hindi nya ako hater at mas Lalo Hindi ako fans ng dalawa na Yan,,pero Sana isipin nyo mas kawawa si Trina,carlo at anak nila kung patuloy Sila magsasama ng dahil lang sa Bata pero Hindi na Sila Masaya lalaki Ang Bata na puro nlang away Ang magulang nya, Isa pa wag nyo isisi Kay Carlo Ang lahat dahil lahat Naman Tayo my ugaling pangit na tinatago, cguro.y."

Mababasa naman dito ang komento ni Jolens, "@cecil.pasamic salamat sa malawak na pang unawa."

Sumegunda naman ang iba pang netizen para ipagtanggol naman ang mag-asawa.

"walang cheating, kasi hiwalay na si carlo at trina nung naging sila ni charlie"

"FYI matagal ng hiwalay si Carlo at Trina bago nanligaw si Carlo kay Charlie. Juskooooo po kaloka kayo. Grabe kayo kay Charlie pinagmukha niyo namang mang-aagaw eh napakabait na babae niyan baka yang Trina niyo yung may masamang ugali kaya hindi pinakasalan ni Carlo."

"Tsk Tsk only in the philippines lng talaga. Ung dimo kilala ung tao personally, pero ang dami nasasabi, daming comment daming mali. Like haller kilalang kilala nyo? Close kau? Lumaki kau together. We all have our own lives."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mag-asawa sa mga isyung ipinupukol sa kanilang dalawa.

MAKI-BALITA: ‘Kinunsinte mo pa!’ Netizens, ‘di kumbinsido sa sinabi ni Jolina tungkol kay Carlo