Naghayag ng paghanga ang TV host-actress na si Jolina Magdangal sa kinahuhumalingan ngayong P-pop girl group na BINI.

Sa latest Instagram post ni Jolina nitong Lunes, Hunyo 10, ibinahagi niya ang tatlong larawan noong 2020, 2021, at 2023 kung saan kasama niya ang naturang grupo.

“Genuinely proud of these girl group. Bilib na ko sa kanila nung nagumpisa pa lang sila at nakakwentuhan namin sa Magandang Buhay,” saad ni Jolina sa caption ng post.

“Pero mas humanga ako ngayon dahil ang daming nilang achievements and recognitions. Pero higit sa lahat ang pinaka admiring sa kanila para sa akin ay hanggang ngayon buo sila at nananatili sila na sila. Walang pagpapapanggap at ka-arte arte,” aniya. 

Relasyon at Hiwalayan

'Sayang!' Netizens, binalikan marriage proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo

Dagdag pa niya: ”Mas lalong ginagalingan kung ano ang binigay sa kanila na talento.❤️ Credit also sa mga tao na tumulong at nag-alaga sa kanila na hindi sumuko.”

Samantala, nagbahagi naman ng kanilang reaksiyon ang ilang BINI members sa post na ito ni Jolina. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

BINI Sheena: "we love you po momshie jols 🥹🤍"

BINI Jhoanna: "Awww 🥺 thank you poooo momshie jolsss ❤️‍🩹"

BINI Maloi: "WE LOVE YOU SO MUCH PO MAMSHIE JOLS 🥺 isa po kayo sa pinaka-genuine na tao na nakilala po naming BINI 🥺"

BINI Aiah: "Aww salamat po! 🥰🫶"

Talagang hindi na maitatanggi pa ang patuloy na pamamayagpag ng BINI sa kasalukuyan. Matatandaang sa isang episode ng “Showbiz Updates” ay inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz na mahirap na umanong i-book ang BINI.

MAKI-BALITA: BINI, mahirap nang i-book?

Bukod pa rito ang sold-out nilang mga ticket para sa kanilang kauna-unahang major concert na “Biniverse” na gaganapin sa darating na Hunyo 28, 29, at 30.

MAKI-BALITA: ‘Walo hanggang dulo:’ Sino-sino ang mga binibini ng BINI?