Inusisa ni “Asia’s King of Talk” Boy Abunda ang aktres na si Andi Eigenmann kaugnay sa naramdaman ng ina nitong si Jaclyn Jose nang lisanin nito ang mundo ng showbiz.

Sa latest episode ng special program na “My Mother, My Story” kamakailan, nabanggit ni Andi na hindi umano trabaho ang turing ng kaniyang ina sa pag-aartista kundi bahagi ng buhay nito.

Kaya tanong ni Boy: “Palagay mo ba nasaktan mo siya when you decided to leave not Manila, not the city, you decided to leave showbiz, ‘yong mundong pinakamamahal ng nanay?”

“It took me a while to realize how heavy it must’ve been for her when I left the industry. One of her last few message to me when she would send me messages and she would just miss me, magpaparamdam siya, she would always either sasabihin niya 'Uy, may offer ka or mayro'ng gustong kumuha sa 'yo sa pelikula,” kuwento ni Andi.

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

“Or sure ka ba? Baka naman pwedeng bumalik ka lang dito dalhin mo 'yong kids tapos mag-taping ka ng gan’to. Or isusulat na lang niya. 'Anak, may naisip akong magandang role para sa 'yo, magandang istorya.’ She never gave up trying to convince me or just hint at making me go back,” wika niya.

Sa huli, napagtanto raw ni Andi na pinapabalik siya ni Jaclyn sa showbiz hindi dahil sa mga fans niya kundi dahil sa kagustuhan nitong makita siyang umarte ulit.

“Because leaving the industry wasn't just about leaving showbiz. It was about leaving a big part of her life,” saad pa ni Andi.

Matatandaang noong Marso ay emosyunal na humarap sa publiko si Andi kasama ang half-brother niyang si Gabby Eigenmann para magbigay ng pahayag kaugnay sa pagyao ng kaniyang ina.

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, isiniwalat ang cause of death ng ina

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, umapela na igalang ang kanilang pagluluksa