Usap-usapan ng mga netizen ang naging "rant" ni Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas matapos niyang mabalitaang isang taga-Star Cinema raw ang nagpapa-take down sa una nang naisulat na balita ng ABS-CBN News patungkol sa pakikipag-ugnayan niya na magawa ang "Tanging Ina" reunion movie.
Matatandaang ang tatlong matatagumpay na pelikula kaugnay ng Tanging Ina ay nasa ilalim ng Star Cinema.
Hindi raw maintindihan ni Ai Ai kung bakit daw kailangang ipa-take down ang ulat tungkol dito. Aminadong na-off daw si Ai Ai sa nabalitaang ito.
MAKI-BALITA: Ai Ai, pumalag: Balita tungkol sa ‘Tanging Ina’ reunion, pinapabura ng taga-Star Cinema?
"May nakarating kasi sa akin na balita na isa raw sa Star Cinema ang gustong ipa-down ‘yong news regarding do’n sa Star Cinema na ‘Tanging Ina’ chuchu.”
“Ako ang dating sa akin, parang na-off ako. Saka parang nagtataka ako, naloloka ako. Bakit parang may pa-down na datingan na gano’n?” aniya.
"Alangan namang magtanong ako sa Regal, sa Viva, o kaya sa Seiko Films. E, ang Star Cinema naman ang gumawa ng ‘Tanging Ina.' Saka ako naman ang ‘Tanging Ina’ do’n ‘di ba? So anong masama kung magtanong ako? At saka ano namang masama kung mabalita ‘yon? Masama ba ‘yon? 'Di ba nagtatanong lang naman ako. Or baka inassume ko lang ito, na ayaw n’yong ma-associate sa akin? Bakit? Pinagkakitaan n’yo naman ako dati sa Star Cinema, ‘di ba? Masama ba ‘yon? At saka sobrang nakapagtataka. Minamaliit n’yo ako, gano’n? So, tama na. O, edi hindi na. ‘Wag na nating gawin... Iba na lang. Ibang pelikula na lang. O, eh 'di sa inyo na ‘yan!" saad pa ni Ai Ai.
MAKI-BALITA: Ngitngit ni Ai Ai sa Star Cinema: ‘Pinagkakitaan n’yo naman ako dati!’
Sa comment section ng kaniyang video post ay umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon mula sa netizens. May mga nagsabing tila "sinunog niya ang tulay" sa pagitan nila ng Star Cinema. Ang pagsunog ng tulay ay isang idyomatikong pahayag na ang ibig sabihin ay tila sinira ang magandang ugnayan.
May nagpayo naman kay Ai Ai na puwede naman siyang mag-produce ng ibang pelikula, o kaya naman, lumapit sa ibang movie company lalo't nasa ilalim naman siya ng GMA Network, at may GMA Pictures naman.
"Parang sinunog mo na ang tulay mo dahil sa video mong to.🫣 Sa tingin mo ba sa mga sinabi mong ito, may mabuting maidudulot at epekto sa issue kung totoo man o hindi? Sa tingin mo dahil dito magugustuhan ka kunin at i produce tuloy ng Star Cinema? O mabi bwisit tuloy sayo ang mga production dahil napaka impulsive at negative publicity mo. Just my opinion ✌🏻
"Baka kasi nagmukhang announcement ung interview mo na magkakaroon ang another Tanging Ina in partnership with Star Cinema without them knowing it (kasi nga ikaw lang pala ang nag-iisip nun with your producer) As a company, karapatan din siguro ng SC na ipatake down yung item na sa tingin nilang hindi totoo (sa ngayon) at wala pa pala kayong formal na usapan ng management.. Review mo rin siguro yung interview mo baka may nabanggit ka kaya namisinterpret ng media. Actually, napanood ko ung news na yun at ang dating sa akin e, gagawa na talaga kaya naexcite din ako."
"I guess it's the wrong move to post this video due to impulsiveness. You said "ISA SA MGA STAR CINEMA", so maybe one of the big bosses or executives meaning NOT ALL OF THEM. You should work on this issue silently by simply reaching out to the firm to clarify everything instead of posting it on social media. I do understand that somehow you felt disrespected or invalidated, but these kinds of issues should be fixed privately at a decent table. Posting this rant through social media just gave the impression of grudges to your former network. For us, you're already an ICON in the PH Showbiz industry."
"Pwede nman nga magproduce ka ng syo may Pera ka nman Ang tanong kikita ba yun ng kagaya ng mga naging pelikula Nya sa star Cinema...wla na nga sya movie na matandaan ko kundi ung mga star Cinema lang..dka matatawag na tanging Ina Kundi dahil sa star cinema."
"You better shut up rather than making an issue... Sayo na nga nanggaling di ba ikaw ang tanging ina.. at star cinema ang gumawa.. hindi ka magiging TANGING INA kung di dahil sa star cinema.. at may karapatan silang idown kasi GAWA NILA YUN.. AT SILA GUMAWA SAYO BILANG TANGING INA.. NAKU madam ai ai palawakin mo nalng pag unawa mo kesa ganitong issue.. maliit at bilog ang mundo.. pero matuto tayo tumanaw ng utang na loob... Kumits sila sayo at kumits ka rin naman sa kanila."
Ngunit ilang netizens ang nag-ungkat pa sa naging isyu noon ni Ai Ai sa Star Cinema, sa 2015 Metro Manila Film Festival o MMFF kung saan nagsagupa sa takilya ang "Beauty and the Bestie" nina Vice Ganda at Coco Martin, at pelikula nila nina Vic Sotto, Maine Mendoza, at Alden Richards na "My Bebe Love" sa kaputukan ng kasikatan ng "AlDub."
Buong post ng netizen, published as is, "KAPAL NAMAN NG MUKHA MO!
Baka nakakalimutan mo noong MMFF 2015, sinabihan mong mandaraya ang Star Cinema dahil sa pinapakalat mong padding sa box-office. Kaya tama lang na tanggihan nila ang alok mo. Hindi ka kawalan sa Star Cinema. Hindi rin mamamatay ang Star Cinema kahit wala kang movie sa kanila.
Sinasabi mong pinagkakitaan ka ng SC. Tanga! Baka walang AiAi Delas Alas kung wala ang SC. Wala yang title mong Comedy Queen kung hindi dahil sa SC. Kaya ikaw ang walang utang na loob sa Star Cinema at ABSCBN.
Laos ka na! Napaglipasan ka na ng panahon. Nagbago ka na. Sumama na ugali mo mula nang umalis ka sa ABSCBN. Wala ka ng kinang! Wala ka ng magic sa box-office. Dahil kung meron pa, bakit nandiyan ka sa ibang bansa at nagtatrabaho. Bakit irrelevant ka na sa showbiz at hindi ka na pinag-uusapan?
Kung naghahanap ka ng producer bakit di ka lumapit sa Marcos Family. Sa dami ng ninakaw nila baka tulad ng Maid in Malacanan ay magpamigay sila ng ticket para lang may manood ng movie mo.
Masaya ka pala sa GMA bakit di mo sa kanila unang i-offer ang movie mo? Dahil ba takot din silang langawin ka sa sinehan. Aminin mo man o hindi, LAOS NA ANG ISANG AIAI DELAS ALAS! 💩"
Pahayag pa ng isa, "Ang kapal naman ng baba at mukha mo AiAi Delas Alas para makiusap ka pa sa Star Cinema na gawin ang Tanging Ina reunion matapos mong akusahan sila dati na nandaya ng box office gross ng pelikula ni Vice Ganda dinamay mo pa pati si direk Wenn Deramas na namatay ng may sama ng loob dahil sayo. Remember Beauty and The Bestie na huling movie ni direk Wenn na kinalaban ng movie niyo na Bebe Love? Sana naaalala mo pa."
MAKI-BALITA: Matapos tumalak sa socmed: Ai Ai, parang nagsunog daw ng tulay sa Star Cinema
Sa kabilang banda, ilang mga personalidad at netizen din naman ang nagtanggol kay Ai Ai, kagaya na lamang nina Randy Balaguer at Wendell Alvarez.
Sey ni Randy, "May pag papa down ng News about you wanting to do the reunion of Tanging ina. Bakit po Star Cinema & AbsCbn? Anong meron? Nakiki sukob na nga lang kyo ngayon sa TV5 at GMA7 may pag ganyan pa? Ayaw nyo ng collab, eh di ok. Juice koh naman. Gawin pang isyu. Ang yayabang nyo wala naman kayo prangkisa!!!! Tse!"
Komento naman ni Wendell na co-host ni Cristy Fermin sa "Showbiz Now Na," "Naku friend Ai Ai, gumawa ka ng Ibang pelikula maraming mga magagandang script na gawa ng mga magagaling na manunulat... Kung talagang gusto ng producer mo... Mag check lang kayo sa Palanca... Daming script dun...."
"Wala pong loyalty ang ABS CBN and Star Cinema sa mga talent nila habang kumikita si Vice Ganda wala silang pakialam kahit kanino. Nuong kayo po ang kumikita sunod sunod ang mga projects nyo sa kanila tapos napalitan kayo kase May dumating na mas nagbibigay ng perang malaki. Ma bango ka habang Amoy pera ka iyan ang pamantayan ng higanteng company na yan," sey naman ng isang netizen.
"Naku Alam mo naman ang abs-cbn di pa rin makamoveon sa pag alis mo sa kanila hanggang ngayon bitter eh nung isang araw binalita Nila nkikipagusap ka raw sa abs Para gawin Yun tanging Ina ibang klase wag mong gawin may Pera ka ikaw ang magproduce solo mo pa kita o Kaya sosyo kayo NG gma," pahayag ng isang netizen.
Na nireplayan naman ni Ai Ai at binanggit niya ulit na hindi siya umalis ng ABS-CBN kundi hindi na siya ni-renew.
"hindi naman ako umalis hindi nila ko ninrenew .. kaso mahal ako ni Lord kahit anong pang aapi nila saken matapos nila ko pag kakitaan nakakabangon pa din ako," aniya.
Matatandaang sa pamamagitan din ng isang video statement ay sinabi ni Ai Ai na hindi siya ni-renew noon sa ABS-CBN at buti na lang daw, nariyan ang GMA Network na kumuha sa kaniya hanggang ngayon. Marami kasi sa mga netizen, lalo na ang solid Kapamilya supporters, ang bumarda sa kaniya matapos mag-guest sa "It's Showtime."
MAKI-BALITA: Ai Ai may nilinaw sa pag-alis sa ABS-CBN, paglundag sa GMA
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang Star Cinema kaugnay sa mga binitiwang pahayag ni Ai Ai.