Wala pa mang napapabalitang marriage proposal tungkol sa celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto, napag-usapan na agad kung maiimbitahan ba ang ama ng huli sa kasal nito.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Hunyo 9, sinabi ni showbiz insider Ogie Diaz na inaasahan umano ni Dennis Padilla na siya ang maghahatid kay Julia sa altar.

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, handa nang pakasal: ‘I’m closer to that’

“Sa totoo lang, aasahan niya ‘yan [Dennis Padilla]. Syempre siya ang tatay, e. Buhay pa naman siya, e. Kaya hindi naman natin alam kung ‘yon nga ang mangyayari,” saad ni Ogie.

Tsika at Intriga

Pagbulaga ni Alden Richards sa 'It's Showtime,' pinagtaasan ng kilay

“Dahil hindi naman tayo ang gagawa niyan, si Gerald at Julia, kung sino-sino ang gusto nilang makita sa kanilang kasal,” dugtong pa niya.

Segunda naman ng co-host niyang si Mama Loi: “Pero ang gandang sight no’n, Nay, no? ‘Pag nakita mo na si Dennis ‘yong maghahatid.”

“Oo, sa totoo lang. Ibigay natin ‘yong karapatan na paghahatid kay Dennis,” sagot ng showbiz insider.

Matatandaang matapos mag-approach ni Julia kay Dennis noong nakaraang birthday nito ay naghayag siya ng interes na maihatid ang anak sa altar.

MAKI-BALITA: Kung bibigyan ng chance: Dennis, gustong ihatid si Julia sa altar

Pero bago pa man ito ay sinabi na ni Dennis sa panayam niya noong kay Ogie na pupunta siya sa kasal ni Julia kahit hindi raw siya imbitado.

MAKI-BALITA: Dennis pupunta sa kasal nina Julia-Gerald kahit hindi imbitado