Tila humanga ang hunk actor na si Albie Casiño sa kapuwa niya artistang si Nikko Natividad dahil sa paghahayag nito ng sariling opinyon.

Sa Instagram story ni Albie nitong Linggo, Hunyo 9, sinabi niya na saludo raw siya Nikko at naniniwalang walang mali sa ginawa nito.

"Saludo ako sayo brother @nikkonatividad. Wala naman mali sa sinabi ni Nikko, lahat naman tayo may sariling opinion and we all [have] the right to voice that,” pahayag ni Albie. 

Dagdag pa niya: “Ang mahirap is gusto niyo mawalan ng trabaho ang taong nag susuport ng pamilya dahil lang sa opinion niya."

Tsika at Intriga

Kathryn dinagsa ng fans sa airport: naikumpara sa BINI?

Matatandaang bumoses si Nikko sa pamamagitan ng isang social media post hinggil sa isang kontrobersiyal na episode ng segment na “EXpecially For You” ng “It’s Showtime” na tila patama umano kay Vice Ganda.

MAKI-BALITA: Posts ni Nikko Natividad, patama kay Vice Ganda?

Kaya naman, nagsimulang lumutang ang mga espekulasyon na baka manganib umanong mapatalsik ang ginagampanang karakter ni Nikko sa “FPJ’s Batang Quiapo” dahil ang direktor nitong si Coco Martin ay malapit kay Vice Ganda.

MAKI-BALITA: Close sina Vice Ganda, Coco: Nikko, baka raw ‘katapusan’ na sa Batang Quiapo