Humingi ng paumanhin ang Unkabogable star na si Vice Ganda kay GMA Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group Antonette Gozon-Valdez sa isang episode ng “It’s Showtime” kamakailan. 

Sa segment kasing “EXpecially For You” kung saan nagsilbing searchee si Kapamilya actress Rita Daniela ay aksidenteng nabanggit ni Vice Ganda ang “TV Patrol,” ang katapat na flagship newscast ng “24 Oras.”

“Ang ganda talaga ng boses nito,” sabi ni Vice kay Rita. “Ba’t di ka mag-TV Patrol?”

“Try natin,” sagot naman ni Rita.

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

“Pero ikaw ‘yong nire-report,” biro pa ni Vice.

Segunda naman ni co-host niyang si Jhong Hilario: “Pwede sa Star Patrol.”

Samantala, bigla namang kumambyo si Vice nang mapagtantong nagkamali siya ng nabanggit na news program.

"Ma'am Annette, I'm sorry," saad ng komedyante. "Baka mabawi 'yong imbitasyon natin sa GMA Gala."

Dagdag pa niya: "Masasayang 'yong gown na pinagawa ko."

Matatandaang inanunsiyo noong Marso na opisyal nang bahagi ng GMA Network ang “It’s Showtime” bilang noontime show nito.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!