Nakalaya na mula sa kulungan si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., ayon sa kaniyang abogado nitong Lunes, Hunyo 10.

Sa isang mensahe ng abogadong si Atty. Ferdinand Topacio na inulat ng ABS-CBN News, nakalabas sa kulungan mula sa “preventive detention” si Teves sa Becora Prison sa Dili, Timor-Leste nitong Lunes ng hapon.

Hindi pa naman nagbigay ng iba pang detalye si Topacio, ngunit sinabi niyang maglalabas sila ng opisyal na pahayag mamayang gabi.

Noong Marso 21 nang ihayag ng Department of Justice (DOJ) na naaresto si Teves ng mga awtoridad habang naglalaro ng golf.

National

Teves, arestado sa Timor Leste habang naglalaro ng golf – DOJ

Nahaharap si Teves sa iba’t ibang murder charges dahil sa umano’y pagkasangkot sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Matatandaang noong Marso 4, 2023 nang masawi si Degamo, kasama ang walo pang sibilyang nadamay, matapos silang pagbabarilin ng armadong grupo sa harap ng bahay nito sa lungsod ng Pamplona.

https://balita.net.ph/2023/03/04/negros-oriental-gov-degamo-pinagbabaril-patay/