Nagtungo si Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, kasama si Kabataan Partylist Vice President for Mindanao na si Harvey Lao, sa prayer mountain at dome ni Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City habang hawak-hawak ang placard ng kanilang panawagang dapat maaresto na ito.

Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Hunyo 10, nagbahagi si Manuel ng larawan ng pagpunta nila ni Lao sa harap ng prayer mountain at dome ni Quiboloy, kung saan hawak ng bawat isa sa kanila ang placards na “Arrest Quiboloy” at “Justice for victims of Quiboloy’s crimes.”

“ARREST QUIBOLOY! Yours truly with Harvey Lao, Kabataan Partylist VP for Mindanao, at Quiboloy's ‘prayer mountain’ and dome, both in Davao City,” ani Manuel sa kaniyang post.

“Matagal nang dapat hinuli ng pulisya si Quiboloy, isa sa top fake news peddlers and redtaggers sa bansa, at indicted child sex trafficker overseas,” giit pa niya.

National

Mahigit 100 pulis, pinasok KOJC compound para sa warrants ni Quiboloy

Nito lamang ding Lunes nang magtungo ang mahigit 100 pulis sa compound ng KOJC sa Davao City upang isilbi ang warrants of arrest ni Quiboloy na inisyu ng Pasig City court para umano sa mga kasong qualified human trafficking cases na isinampa laban sa kaniya at sa limang iba pa.

Samantala, hindi umano nila nakita ang pastor at ang abogado nito ang tanging tumanggap ng nasabing warrants.