Binigyang-kahulugan ng netizens ang ibinahaging larawan ni Trina Candaza sa mismong araw ng kasal ng ex-jowa niyang si Carlo Aquino kay Charlie Dizon.

Sa isang Instagram post ni Trina nitong Linggo, Hunyo 9, makikita ang isang larawan kung saan tampok ang blank wall habang sa caption naman ay isang umano’y lotus flower.

Tsika at Intriga

Coco Martin, ayaw daw ungkatin ang personal na buhay?

View this post on Instagram

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

Sey tuloy ng isang netizen: “[Lotus] commonly serves as a sacred for purity, rebirth, and strength. Because lotuses rise from the mud without stains, they are often viewed as a symbol of purity.”

Samantala, ang iba namang netizens ay nagpaabot ng kanilang pakikisimpatya kay Trina. Narito ang ilan sa kanilang komento:

"When I heard that Carlo Aquino got married today, I immediately thought of her and Mithi 😢"

"wala ako sa posisyon mo pero ramdam ko ung sakit, mahigpit na yakap ❤️"

"hugs for you Ms. Trina and Mithi😢"

"ikaw talaga naiisip ko 😢 habang sila ang laman ng newsfeed ko.. i really feel the pain💔 Hugs momsh"

MAKI-BALITA: Netizens, nakisimpatya kay Trina Candaza: ‘Maghihiwalay din sila!’

Matatandaang ginanap ang secret wedding nina Carlo at Charlie sa isang private resort sa Silang, Cavite sa mismong araw na ibinahagi ni Trina ang naturang larawan.

MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!