Naghayag ng simpatya ang mga netizen para kay Trina Candaza matapos maibalitang naikasal na ang ex-jowa niyang si Carlo Aquino kay Charlie Dizon.

Sa Instagram account ni Trina, makikitang inulan ng mga komento ang latest post niya kahit wala naman itong kinalaman sa kasal ng dalawa.

Mark Anthony Fernandez, nadaya kaya wala pang acting award?

View this post on Instagram

A post shared by Trina Candaza (@trinacandaza)

"we love an unbothered queen"

"protect Mithi at all cost... you and Mithi deserve a real Man... hoorrraaayyyy for being so unbothered... Love you and Mithi❤️🫰🏼"

"Walang dapat panghinayangan😚😅di pa tapos ang kwento🤣 di porket pinakasalan happily ever after na🤭"

"Wag ka mag alala. Tables will turn. Tandaan mo ikaw ang panalo kasi may anak ka. Karma karma lang din sa kanila yan. God will provide 💖"

"Gandang babae at ang sexy at may mabuting puso. Dasurb mong maging masaya ❤️"

"Gusto ko ung maging end game nito ung mas gwapo kay Carlo, hamak na mas mayaman, ung nasa kanya na lahat? Tapos itre treat ka pa ng tama. Sampal kay Carlo!"

"mag hihiwalay din sila.. nagpaksal lang yun kasi napag iiwanan na si coya hahaha keep going beautiful"

Matatandaang ginanap ang secret wedding nina Carlo at Charlie sa isang private resort sa Silang, Cavite noong Linggo, Hunyo 9.

MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!