Tila hindi kumbinsido ang ilang netizens sa pagkakalarawan ng TV host-actress na si Jolina Magdangal kay Kapamilya actor Carlo Aquino.

Sa latest Instagram post ni Jolina nitong Linggo, Hunyo 9, nagpaabot siya ng mensahe para kay Carlo na kakakasal lang kay Charlie Dizon. 

“Kaloi, bilang bata ka pa magkakilala na tayo, alam ko kung gaano ka kabait na anak at mapagmahal sa family mo. Sobrang happy ko talaga para sayo,” saad ni Jolina.

Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

MAKI-BALITA: Jolina, nag-manifest para sa forever nina Carlo at Charlie

Kaya naman, umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang sinabing ito ni Carlo. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Mapagmahal sa family? Are u kidding? What do u call a man who turned his back to his very own flesh for his own sakes happiness? Like seriously!!!???"

"Hahahaha mapagmahal sa family pero paano sina Trina? 😢so sad..."

"Dko alam qng maniniwla pako 😅 prang pti sa nagsbi nwlan ndin ako ng gana khit idol pkita, mapagmahal?? Galing sa puso?? Hmmmm"

"Mabait? Ngekngek nyo! Jusko pinakasalan ang babae kesa sa inanakan hahaha well sabagay amg taong mapag lamang ng kapwa at mapanakit ng walang laban di sasaya at suswertihin sa buhay! Hehehehe 😂"

"talaga ba jolina😅mabait at mapagmahal daw sa family 🙄 bat iniwanan ang mag ina nya para sa ibang babae"

"Palakunsinte kaibigan ka pala Jolina.. Kinunsinte mo pa pala cla.. kawawa Trina at sa baby nila.. 🤦"

"Mabait na anak at mabait sa family? Haha kamusta kaya ang pagging ama nitong si carlo? 😂"

Matatandaang ginanap ang secret wedding nina Carlo at Charlie sa isang private resort sa Silang, Cavite noong Linggo, Hunyo 9.

MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!

Samantala, naghayag naman ng pakikisimpatya ang mga netizen para sa ex-jowa ni Carlo na si Trina Candaza.

MAKI-BALITA: Netizens, nakisimpatya kay Trina Candaza: ‘Maghihiwalay din sila!’